phone pals
Naalala nyo pa ba nung analog rotary pa ang phone? Eto: nabasa ko sa Nostalgia Manila ang "Forgotten Wonders of the PLDT Rotary Phone." Binabalikan nya yung panahon ng party line, cross line, at ang pagkakaroon ng phone pal.
Naalala ko yung party line at yung phone pal, pero di ko alam yung cross line na yan. Pero kung alam ko yan noon at natumpukan ko ang mga kasing-bata ko noon, sali ako dun!
Tungkol dyan sa phone pal na yan, may yaya nga kami noon na mahilig makipag-phone pal, kaya nung isang summer sa mga pinsan namin sa PCARRD (hi Quincy, Abbey and Iris!!), tinawagan namin ang yaya naming yon sa bahay para makipag-phone pal. Tinanggihan kami noon ng dalawang beses. Nung pangatlong beses na, yung lola namin ang sumagot. At - HELLO! - gusto ng lola namin makipag-phone pal! NGE! Baka mabisto pa kami at palo ang naghihintay sa amin pag uwi sa bahay!
Pero may "phone pals" ako nung Grade I ako - mga kaklase ko! Yung nagtatawagan kayo dahil magtutulungan daw kayo sa assignment, pero kalimitan naman nagkukwentuhan lang at nagkukumpara ng mga gamit - "Ang ganda ng ruler mo!" "Gusto ko yung pencil case mo. San mo binili?" "Dalhin mo yung Barbie mo bukas ha?" Ang nakakalungkot nito, si Sherwin na lang sa mga listahan ko ng phone pals ko nung Grade I ang nandito sa Friendster. <hikbi!> Sherwin, may utang ka pa ata sa aking ruler…


Leave a Reply