pasaway
kinakailangan ko lang ilabas ito. ang kulit e!
kahit na natutuwa ako na sumusunod sa traffic regulations ang mga taga-los banos (uh, sabihin natin 90%), may isa nga palang gawain ang mga pedestrian dito na di ko gusto: yung patitigilin nila ang sasakyan dahil tatawid sila. hello! alam kong may priority sila, pero naman, wag naman pag "go" ang mga sasakyan at tatawid na lang sila kung kelan malapit na mga sasakyan! sa crossing marami yon… kaya nung minsang napuno ako at nasa tapat pa lang ako ng jollibee (pag lumampas ka na ng robinson’s, more or less diretso ka na, except for lopez elem school), lahat ng tatawid na patitigilin ako dahil pinakita nila ang palad nila - um! ayan! ako din, may palad!! wala naman akong kasunod, hintayin nyo na lang akong lumampas bago kayo tumawid!
may clerk ako na nagkwento sa akin na effective ang pag-traffic ng mga pulis imus. sa mga di pa nakakarating sa imus, ganito kasi yon: ang gulo e! ‘lam mo yung kung saan saan tumatawid ang tao, walang ayos yung lanes… ganon… e di ba uso yung may pulis sa isang tabi dyan na may megaphone na nagmamando ng traffic imbes na nasa gitna? (in fairness, sa gulo ng traffic, di na siguro mapapansin sa gitna yung pulis). ginamit nila yung ganung style: may nagsasalita don sa megaphone na yon, pero pinapahiya nya yung mga offenders.
for example:"hoy, yung babaeng naka-blue! di ka tumawid sa tamang tawiran! j-walking yan! nakaka-hiya ka, mukha ka pa namang professional!’
o di kaya:"yung nursing student na nag-jay walk! mahiya-hiya ka naman! naturingan ka pa namang edukado! oo, ikaw! yung dinedeadma lang ako at dire-diretsong naglalakad! o, lumingon ka pa!.."
effective. balita ko gumaganda na ang traffic don dahil sumusunod na ang mga tao sa patakaran.
naalala ko sabi ni kristin, somewhere sa manila, ang parusa naman sa j-walking ay pakakantahin ang offender ng lupang hinirang sa megaphone na yon. ayos din.
kagabi, nalaman ko sa thailand na public humiliation ang ginagamit nila sa mga pasaway na pulis. palalagyan nila ng hello kitty armband ang mga pasaway. hmm… cute. pero nawala na pala ang kaaliwan ko sa topic na ito… pero di ang mga pasaway na tumatawid! oo, eto ay "nakamamatay!’
(hi sid! hi ivy!)

I got caught for jaywalking sa may buendia nung nag-review ako for the board. Actually you have a choice. Either spend a few hours sa make-shift jail nila sa gitna ng Buendia or mag-50 push-ups ka. I chose the push-ups.
Ryuji said this on August 13, 2007 at 9:04 pm